Ang Boses Ng Katarungan. Numero 25 sa balota.
 

Ang kwento ni Chel

 
chelabout.jpg
 

SA MURANG EDAD, NARANASAN NA NI CHEL ANG KAWALAN NG HUSTISYA

Sa edad na 11, naranasan niya ang kalupitan ng Martial Law. Kinulong ang kanyang ama na si Sen. Jose W. Diokno kahit walang kasong isinampa laban sa kanya.

Kaya nagpursigi si Chel maging abugado, at umusbong na ang kanyang pagiging lider. Nung hayskul sa La Salle Green Hills, siya ay naging pangulo ng student council at ginawaran ng Gerardo Roxas Leadership Award. Nagtapos siya sa kursong Pilosopiya sa UP Diliman, kung saan siya ay naging honorary member ng UP Writer's Club, at writing fellow ng UP Institute of Creative Writing.

Nag-aral si Chel maging abogado sa Estados Unidos, at nagtapos bilang magna cum laude. Nakatanggap rin siya ng American Jurisprudence Award for Excellence in the Study of Contracts. Bagama’t siya ay abogado rin sa Amerika, mula noong 1987 ay nanilbihan na si Chel bilang abogado sa Pilipinas.

Ang pamilya Diokno, 1962.  Clockwise, from left: Popoy, ang kanilang nanay na si Nena, si Chel, si Sen. Diokno, Mench, Pat, Maris, Mike, Cookie, and Maitet.

Ang pamilya Diokno, 1962. Clockwise, from left: Popoy, ang kanilang nanay na si Nena, si Chel, si Sen. Diokno, Mench, Pat, Maris, Mike, Cookie, and Maitet.

Ang pamilya Diokno, 1974, pagkalabas ng kanilang ama mula sa detensyon.  Clockwise, mula sa kaliwa: Pat, Cookie, Maitet, Maris, si Nena, Sen. Diokno, Mike, Chel, Martin, at Maia.

Ang pamilya Diokno, 1974, pagkalabas ng kanilang ama mula sa detensyon. Clockwise, mula sa kaliwa: Pat, Cookie, Maitet, Maris, si Nena, Sen. Diokno, Mike, Chel, Martin, at Maia.

 
 

Panoorin ang kwento ni Chel sa Facebook.

Sumunod si Chel sa yapak
ng kanyang ama

Bilang Chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG), ang pinakamalaking grupo ng abogado sa Pilipinas para sa karapatang pantao, si Chel ay nakilala bilang abugado para sa mga inaapi at nangangailangan.

Tinutulungan niya ang mga nadedehado sa hustisya, tulad ng biktima ng paglubog ng MV Doña Paz, ang pinaka-malaking maritime tragedy sa kasaysayan. Nakakuha na ng danyos ang libo-libong naiwanan.

Ipinagtatanggol ni Chel ang mga maliliit na mgangingisda laban sa mapangabusong negosyante. Ipinaglalaban ni Chel ang karapatan ng mga Lumad, guro, sundalo, at manunulat, at iba pa. Gamit ang DNA evidence, iniligtas rin ni Chel ang mga inosenteng nahatulan ng kamatayan.

 
333.jpg
 
 

hindi NA SAPAT ang mga panalo sa korte. Sa Senado, mas marami ang matutulungan.

Dahil dehado pa rin ang dehado, nagpasya si Chel na tumakbo bilang Senador sa darating na halalan. Nais niyang mag-ambag ng kanyang karanasan sa pagsasa-ayos ng sistema ng katarungan sa ating bayan – isang sistemang mag-papairal ng karapatang pantao; batas na patas para sa lahat, mahirap o mayaman; at higit sa lahat – isang sistema ng batas na magpapaunlad sa buhay ng bawa’t Pilipino.

Sana patas para sa lahat ang sistema. Sana hindi nakakalusot ang may pera. Dapat, mayaman o mahirap, pag may sala, may parusa.
— Chel Diokno
 
 
 
volunteers.jpg

TUMULONG KAY CHEL

Wala po tayong kayamanan, kapangyarihan, o political dynasty. Pero kung tayo ay magsama-sama sa pagmamahal sa Inang Bayan, pag respeto sa dignidad ng tao, at pagmamalasakit sa kapwa, makakamtan natin ang tunay na pagbabago.

 
mintgreen.jpg